Friday, February 17, 2012

Ang Alamat ng Bakla

       Isang araw, isang grupo ang nagkukuwentuhan na malapit sakin. Sa di inaasahan na mapankinggan ko ang isang kwento ng isang bakla at ako ay nakinig sa kanya. Tungkol ito sa alamat ng bakla at kanya itong isinalaysay.

      Isang ibon ang lumilipad at napadapo ito sa kawayanan. Kanyang tinuka ang kawayan at nabiyak, lumabas ang isang anyo na mahaba ang buhok at maganda. Isang kawayan din ang nabiyak, pagkatapos ay lumabas din ang isang anyo na maiksi ang buhok at makisig. Ngunit nakita ni Bathala na may isang anyo ang lumalabas na di malaman kung sino ito dahil sa pabago-bago ang anyo nito. Pinangalanan ni Bathala ang isang maganda at mahabang buhok na Babae, samantala Lalake naman ang ipinangalan sa maiksi ang buhok at makisig. Ngunit napaisip si Bathala kung sino ang isang anyo na kanyang nakita. Kaya kanya itong tinanong, "Sino ka?" sabi ng Bathala. Sumagot ang nilalang na ito, "Ako ay isang nilalang na kaya kong gawin ang lahat ng bagay. Kaya kong sumayaw, kumanta at pwede mo ko ibagay sa Babae at Lalake". Dahil sa napakinggan ng Bathala, meron n siyang naisip na pangalan para sa nilalang. Sabi ng Bathala, "Mula ngayon tatawagin kitang BAKLA, BAhagi Ka ng LAhat..."

       Nagtawanan ang lahat dahil sa napakinggan. Kahit ako ay natawa pero di ko ipinakita sa kanila. Ito ay isang kuwento na ginawa lamang. Isang katuwaan ng magkakaibigan. Sa napakinggan kong ito, sumagi sa aking isipan na kahit ano pa ang kanyang anyo o kahit siya ay isang bakla, siya ay may talento at malaki pa rin ang maitutulong sa ating lipunan.

       Lahat sa mundong ito na nilalang ng ating Diyos ay mahalaga. Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang abilidad, talino at talento kaya't ating ipagmalaki at pagyamanin.

7 comments:

  1. Hahaha! Natawa naman ako sa kwento. lol..

    Pero tama, lahat tayo ay gawa ni Papa God. Lahat tayo, unique. Merong purpose sa life. Merong mga abilidad at kakayahan. We should respect each other, all men alike for we are all creations and are equal in the eyes of God.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahha... salamat sa visit..!! db ang saya saya..!!

      Delete
  2. This is so nice... I love how you conclude thoughts. Here's a smile for you:


    :)

    ReplyDelete
  3. Ang galing! Dapat lang na di natin sila ibaliwala-in. Kabahagi sila. Tao rin sila.

    Ang nagmamasid at nagpapasalamat, RandomThoughts!

    ReplyDelete